Nanakit na mga mata ko,bakit? sa kakatitig sa monitor ng PC sa station ko..
Nananakit na likod ko, bakit? apat na oras na kasi akong nakupo dito sa tapat parin ng PC sa station ko..
At nananakit ang Puson ko, Bakit? hehe.. kasi Red alert ako.. haha!!!
may mga pending workload pa ako apat na oras na ang nauubos ko sa loob ng opisina pero wala akong ganang mag trabaho.
kaya i.blog ko muna to..
Sa apat na oaras ko dito ay wala pa kong nagagawa kundi buksan ng paulit ulit yung mga excel sheets na dapat kong gawin, trabaho ng kaunti, sumilip sa mga blog ng may blog habang sumusubo ng pizza..hehe
Ang hirap mag focus sa trabaho ng may mabigat na iniisip.. kahit anong pilit kong ituon isip ko sa trabaho
e, parang kabuteng sisingit sa kukkote ko mga problema ko..
Pero ayaw ko na kasing maging bitter e,, baka kasi sa mga susunod na araw pag bukas ko ng Blog ko e isang AMPALAYA na ang lumabas sa screen ng Computer sa sobrang bitterness na laman netong Blog ko,,
hindi naman ako ganito dati, sobrang masayahin ako at baliw pag dating sa persepsyon ng buhay buhay..
Dahil lang sa isang taong maraming binago ang buhay ko..
Pero wala naman akong dapat sisihin,, It's my choice and I have to deal with it..
Marami akong dapat at alam na dapat baguhin sa buhay ko
Tulad ng :
1.Wag paikutin sa isang tao ang buhay mo
2. Magtira ng para sa sarili ( mahalin muna ang sarili para mahalin ng iba)
3. Explore ang life! (parang pareho lang ni #1)
4. Paninidigan ang mga sinasabi..( Oo ngayun, pero bukas baka pwede nang bawiin??!)
5. Wag magbulag bulagan sa nangyayari sa paligid-ligid
6. Tumayo sa sariling mga Paa (malamang! try ko kaya manghiram ng paa sa iba? hehe)
7. Matuto mag tipid!!!!!!!!!!
8. Wag mag aksaya ng pera sa walang kwentang bagay ( exemption: Red horse, pulutan, Yosi)
9. Wag na mag puyat para maaga namang Gumising Consisitent ang Lateness e!
at higit sal lahat matutong wag sumagot sa lasing.. Muntik na kong mapaaway dun!
wala na.. wala na kong ibang maisip e!
Gagawin ko to.. promise!!!
mamaya? bukas? Next day? Next week? pag tapos ko mag yosi mamaya?
pag nakalipat na ko ng bahay? pag naubos na panindang kikiam ni Manong sa baba ng office?
o kaya pag naubos na yung tiles na bumabalot sa building ng opisina namen? hmm..
Cge na nga!
ewan!
basta bahala na!
Ayun! next time ulit back to work na ko, ubos na pagkain ko hindi pa ubos ang workload ko ;p
AyTenkyOu
4 comments:
ayos to huh..:)
dapat gawin mo..:)
thanks!
hehe.. Uu naman.. super strive aku jan! :)
prang dapat yung mga "exemption" mo ang kelangan mong bawasan o alisin :)
maganda, napakahusay! ni-follow din kita
mabuhay
haha!! enkyu pu :) Uu dapat nga yun.. yun ang more dapat less :)
Post a Comment