Wednesday, February 23, 2011

Pulis na Matulis

HARHARHAR!!!

Ayun naman kase...
Sa mga panahong ito ay nasira ang system na ginagamit ko..
Remote Desktop kasi ito (titipid ang amo)
kaya naman kailangan pang itawag sa Las Vegas dahil doon ang main office/hospital na linalaro este tinatrabaho ko.. Kaya naman eto't tengga ako kaya naisipan kong iblog ang nakakabwisit eksena Kagabi

12 MIDNIGHT

Yan ang out ko.. masyadong maaga para sa isiang hostess hehe.. juk lang!

Bago ako umuwi ay nagkayayaan kame ng mga officemates ko na mag yosi muna sa baba ng building bago
ako umuwi..


Sa ibaba ng buliding namen ay may dalawang ATM machines sa pagitan ng Entrance ng gusali,
Habang nagsusunog kame ng aming mga baga at nag papalitan ng kuro-kuro tungkol sa laban ni Donayre ay hindi namen/KO sinasadyang matayuan ang harap ng isa sa mga ATM machines, at sa di kalayuan ay may isang mama na nakatayo sa kanyang motor..

napansin nanamin sya doon pero keber kami sa kanya dahil abala kame sa paghuhuntahan...

ng biglang...


"Umalis nga kayo dyan!" 

"Doon Kayo"

Sabi ng isang tao sa likod namen...

ako ang sobrang nakaharang kaya naman nag sorry ako at lumayo kame sa ATM machine
Marami parin syang sinasabi na hindi namen mawawaan..

nakauniporme sya, naka jacket, ISANG PULIS ang manong...
base sa posas na nakasabit sa kanyang bewang at ang mainggay na raydong maya't maya'y talak ng talak

tumahimik kamen bahagya dahil naroon pa sya...

at pagkatapos nya gumamit ng makina e tumingala pa sya at hinanap ang CCTV camera,
bago pa sya umalis e napakasama pa ng tapon ng kanyang tingin samin, nakakairita sya!!! nakakainsulto
at napaka arogante!

mayamaya pa e pinahaharurot na nya ang napakabulok nyang motor..


Hindi ko lubos maisip bakit ganun ang naging akto nya samin,
hindi naman siguro kami mukhang mga hold-upper o snatcher na pagnanakawan sya..

Hindi na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses na akong naka-encounter ng ganyang klaseng pulis..
napaka yabang at arogante.Hindi ba ang isang pulis o alagad ng batas ay nangangalaga ng kayusan ayon sa batas? sa tingin ko wala naman ako/kameng nilalabag na batas doon

hindi tuloy nakakapagtaka kung bakit ang mga tao ay wala nang tiwala at respeto sa kanila dahil sila mismo ang nagpapakita ng kabilktaran neto sa mga mamamayan.. tsk tsk.. kaya sa tuwing nakakakita ako ng unipormadong pulis, ay hindi ko amiwasang kumunot ang noo ko at sumumangot..

Napakarami kong kilalang pulis na bulok at mga abusado sa kapangyarihan.. hindi ko na sasabihin ang mga pangalan nila syempre dahil baka maligaw ang blog ko sakanila at i.ambush ako..

PO1 palang hindi namarunong magbayad sa jeep

pulis na may-ari ng KTV bar

adik, magnanakaw,protektor ng sugal....

Tsk tsk..

hindi ko tuloy alam paano pa nila mapapabango ng pangalan nila sa akin..

tamaan na lang ang matatamaan pero eto ang nakikita ko, kung magvo.violent reaction kayo na hindi sila ganito e sana makita ko at mapatunayan ko...

tsk..tsk..

tama ba ako? o Taman tama?!

Ikaw? may tiwala ka ba sa pulis?


14 comments:

Adang said...

ganun ang sabi? walang hiyang pulis yan ha, bastos masyado.. ano name ng pulis?

KristiaMaldita said...

Adand- Oo ganun talaga pag kasabi nya,di namin nakita naka jacket kasi sya e.. sobra nga e! dnya alam yung kasama namen apo ng congressman ganun ganun sya.. tsk..tsk.. bakit? huhulihin mo? ;)

mommy-razz said...

hndi ka nagkakamali maldita.. tamang tama ka.. hehe

Keatondrunk said...

ayun mas maimpluwensiya ang kasama mo hehe, cge ipatanggal mo. ung iba tlga inaabuso ang power pero meron prin nmang matino

Akoni said...

tsk...tsk...sana pinlaynkik mo ang muka ng FOOLISH na un...arrgghh..

-hindi rin maganda record sa akin ng mga foolish, pero hindi ko sila nilalahat, dahil minsan naging POLICE din ang tatay ko at kasalukoyan POLICE ngayon ang isa sa best friend ko...hehe...pero lam mo, malaki na tyan niya, bakit kaya?

musingan said...

wel... may mga pulis talagang ganyan... ehehhehe....

KristiaMaldita said...

Mommy Raz- Oo nga e,grabe mga yun.. kaya dna ko magtataka what more sa mas matataas sa kanila.. tsk

Keanton- naku naman hindi naman kame masyadong na api kaya hinayaan na lang namen sya..


Akoni-hhmm.. ganun tagala! I'm trying my best to have good impression to me kaso lahat ng mga naeencounter ko e puro bad. may friend din akong pulis, kaya lage ko syang inaaway.. ;p

Out if the Closet, Into the Streets said...

I hate him for doing that!!! Kung di lang ako nakapag pigil that time eh... haay! stupid moron!

KikomaxXx said...

tsk2 mga pulis na ngayon ano mga walang hiya na.. tsk2.. di ko nilalahat..w ahehehe

Leonrap said...

sana sinayawan mo sya... wahahahaha...

Kamila said...

hindi lang naman ang mga pulis ang bulok.. pati gobyerno.. hahaha.. pero nakakainis nga ang mga pulis... yabang..bakit militar ba sila.. dito ang ggwapo ng mga militar at mababait pa..hahaha...

ISTAMBAY said...

eh ka bastos naman ng pulis na iyon eh.. pulis patola hahahah...

sa totoo lang, may mga tropa din ako na pulis. Siguro nga karamihan sa mga pulis eh abusado. Pero hindi naman lahat. may pulis na tuwid pa din naman. Sila ung mahihirap na pulis.

Pag nakita mo ang pulis na mya mgandang bahay at magarang sasakyan.. ano na iisipin mo. ? tama.. hehe

kaya wag na wag kang haharang sa ATM machine, mamaya maposasan ka pa jan heheh..

iya_khin said...

o well ganun talaga! di maiwasan ang mga ganyang eksena.

Exxonflux said...

@Out if the Closet, Into the Streets: haha. oo nga eh. nakakaasar yung #$&(#$(*#&%( yun eh. lakas ng loob mag-angas. hehehe. dapat tinadyakan na natin. LOL.