“The things which the child loves
remain in the domain of the heart until old age.
The most beautiful thing in life is that our souls
remaining over the places where we once enjoyed ourselves” - Khalil Gibran
Hindi ko alam pano ko sisimulan tong blog na to, eto lang kasi ang nasa isip ko
Napapagod na ko, nagsasawa na ko, nakaka stress!
Meralco,Maynilad,Renta sa bahay, Smart,Globe,sun
LBC,-- ayan ang mag problemang hindi ko pwedeng takbuhan sa araw- araw na ginawa ng Diyos
alipin na nila ako...
Ang hirap ng tumatanda, ang daming reponsibilidad sana habang buhay na lang akong bata...
(FLASH BACK)
alam mo bang laruin to?!
Siato,Luksong Baka,Chinese garter,Langit-Lupa,Mangga Mangga hinog ka na ba?!
tago-taguan,bangsak,Agawan base, Sipa,Sak-sak Puso, teleber-teleber
malamang may alam ka dyan kahit isa.. :)
Pampalipas oras din namin dati ang paglalaro ng Brick Game, may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob.Pero inggit ako sa kabit bahay naing Japanera kasi Mas advanced sila Tamagotchi ang nilalaro nila. Pinapakain, pinapatulog , inililibing pag namatay na. may game boy pa,
Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
Nagkaroon din ako ng family computer, Mario Bros,Battle City,Pacman at Popeye ang favorite ko!
Meron din namang mga laruan na hindi masyadong magastos, tulad ng tagpipisong paper doll na mabibili mo suking tindahan nyo na may mga kasamang pares ng damit, pwede ring nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan sa binilog na tanggkay ng walis tingting? kung minsan okra ang ginagamit, na ubod din ng lagkit.
O kaya naman e tansan na pi-pitpitin at patutulisin ang dulo at lalagyan na pisi, pulit-ulit mong papaikutin yunng pisi nya at presto! may blade ka nang laruan na parang maliit na chainsaw na sisira sa halamang tanim ng nanay mo o kaya naman e kapit bahay nyo..
PAGKAING USO...
Nutri Ban!
- alam yan ng mga nasa public school.. pampatalino at pampalaki
Belekoy
-favorite ko yan! kahit sabihin nila sakin noon na gawa yon sa kulangot na may asukal e wala akong pakialam dahil sarap na sarap ako sa lasa ng kulangot, este belekoy..
20 centavos lang isa nun dati ngayun dko na alam saan maghahanap ng ganun.. ;(
Bazooka,tarzan, at texas bubble gum... tira-tira,
-gustong gusto nameng kolektahin ng kaibigan ko ang bazooka dahil may komiks na loob noon, akin ang komiks at sakanya ang gum, yun nga lang pag tapos nya nguyain at ubusin ang katas, sa ulo ko trip nyang ilagay kaya naman hanggang ngayon e magkaaway parin parents namen dahil sa ginawa nyan pagdikit ng bubblegum sa buhok ko..hehe
aratilis? makopa? kaymito? kamias?
-malamang ginawa mo rin to.. mahilig din ako umakyat ng puno at manungkit ng alatiris may hinog at maniba pa, pero hindi ko sila kinakain kadiri kasi lasa nila..
PALABAS
Mahilig ako noon sa mga palabas sa channel 2, at tuwang tuwa naman ang nanay kong nagbabad ako sa TV kasi naman Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela,pinapanood ko..
kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, Agatom at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad
( tumutunog sa utak ko ang theme song ng "Hiraya Manawari" )
Batibot na ang Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.kasama na rin sila Pong pagong, sitsirit-sit,uning-ning at luging-ging?PAti na rin si Kapitan basa at angelique Baso
Sinusubaybayan ko rin ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi,Marco,
Pati na rin syempre ang Shaider!!
Sa eskwela naman.. hindi ako papahuli sa mga pencil case na maraming kwarto at bukasan, may pinipindot pa para biglang lumabas si pambura at si pangtasa..hehe
ang notebook ko rin noon e yung mga idol ko sa Ang TV pati na rin ang Gwaping na patay na patay ako kay Eric fructuoso..
Mahilig akong mangolekta ng paper stationaries pagandahan at pabanguhan natigil lang ako ng pangungolekta nung grade 4 ako, nung nakita ko ang classmate at katrade ko sa paper stationarey na ginawang pamunas iyon nung bumahing sya at lumabas ang malapot nyang.. hhmmm.. dko na babanggitin nakakasuka!
mahilg din ako pumirma at gumawa ng Slumbook para naman malaman ko kung sino ang Crush ng Crush ko at crush ng bestfriend ko kasi naghihinala na ko na sinusulot nya ang Crush ko, at tama nga ang hinala ko! pareho kami ng crush at nag away kame dahil doon SInabihan oa nya akong ahas!! haha!!! dko makalimutan yun!
MUSIC
Syempre Spice Girls!! my poster pa ako nung panahon na yun..
doon ko din nasimulang magustuhan ang Eraserheads,Blakdyak, Alamid, TRue Faith ect...
Kilaal din ang kanta ni Andrew E nun.. at hanggang ngayon pagnaririnig ko sya e kayang kaya ko pa ring sabayan dahil kabisado ko pa sya..hehe
hahaha!!! ang sarap sa pakiramdam bumalik sa bata
Kung halos ka-edad kita malamang nakakarelate ka sa mga sinasabi ko..
Ang dami ko pang gustong alalahanin pero kelangan ko nang bumalik sa realidad, kailanang tapusin ko ang trabaho ko para naman matuwa ang boss ko at hindi ako tanggalin sa trabaho dahil malang wala akong maipangtutustos sa mga bagay na umaalipin sa akin,
Masarap maging bata, hindi ko nga alam at bakit ang mga bata ngayon e nagpupumilit nang tumanda
samantalang ako etong gustong bumalik sa pagkabata na ang pinaka malaking problema ko lang e yung perang kukupitin ko pandagdag pambili ng paper doll at Belekoy..Pero masaya na rin ako, na.enjoy ko ang kabataan ko..nagawa ko ang bagay na giagawa ng isang tipikal na bata
Sabi nga ni Cynthia Ozick,Childhood is the most beautiful of all life's seasons.and What we remember from childhood we remember forever
kaya naman pag naaalala ko ang kabataan ko..
I can't help but smile and to reminisce more..
-end-

may ganyan ka rin ba noon? |

ang Eraserheds ninakaw ko nanaman kay google |

P.S kung sino man sa inyo ang may alam na bilihan ng belekoy, pwede nyong bang ipagbigay alam sa akin seryoso po ako, 5 taon na kong hindi nakakatikim neto.. huhuhu
-end-
21 comments:
mayron kami non hehe! super mario days..
ang cute ni eli s pics..
reminiscing the past.. hehe
hellow... hirap nga tumanda. puro bills na inaatupag.. feeling ko nga ngayon gusto ko na mag-sarili.. pero ewan... hahha.. hindi ko alam kung ano ang nutri bun at belekoy.. pero alam ko na yung mga sumunod na binanggit mo...
at at... feeling ko matanda na din akoooow.
The Best ka talaga Kristia... sa lahat ng binagit mo... meron din akong sinulat ng mag iyan... lalo na ang tamagochi at pambasang laro... dinadahan dahan ko kasi epost lahat ng mga naisulat ko eh... wow... astig talaga... ehehhehe...
Mommy- thank you po sa pagdaan :)
tama! sarap mag reminisce.. haay!
Kamila- mahirap mag sarili lalo kung walang budget..hehe
hindi mo alam yun? sayang..
Kuya Al- Salamat kuya! -bow-
hehe naunahan ba kita? sorry naman.. wag ka mag.alala madami kameng susoporta sayo :)
(parang ang pangit pakingaan)haha
Dito sa Baguio City dami Balikoy di lang ako makabali kasi pagmay pera ako nakakalimutan kong bumili pero pag wala akong pera saka ko gustong bumili..hehehe
bad_mj97
my blog: storiesofbadmj97.blogspot.com
BAd_mj- bad kba talaga? hehe
Thanks sa info.. kaso mas mahal ata pmagagastos ko sa pamasahe kesa sa Belekoy?hehe.. pagdating ko jan wala na kong pambili dahil naubos sa pamasahe..
maraming salamat sa pag daan sa blog ko :)
natawa ako nung pinaalala mo yung nutri ban...ayoko ng ikwento...basta!
wow rich kid ka pala...may family computer...hehe
diko naranasang maglaro ng FC...
-Asiong- kwento mo na! cge text mo na lang! haha!! sige na ano kwento no Nutri ban sayo!? nacurious naman ako dun! amp!
hindi ako rich kid no! ;p
kaya yan! nkarelate ako sa iba, actually sa karamihan hehe pero wla ko family computer poor lang kami
Hindi ko naranasan ang family computer..haha..Nitendo na ang nalaro ko, naging suwail na bata na kasi ako..hehehe..wag kang mag-alalala kapag natapos ko ang time machine na ginagawa ko, isasama kita..apir! toinks..haha
haha!! natawa naman ako sa kwento mo!! sana malusog na sya ngayun..
paano kaya kita ma P.PM? hhmm,,,
Evangelista ba is yung sa may Caltex papuntang Pasay? sa Arnaiz Ave ako banda wowork..
Keaton- hhmmm... kala ko dka nakarelate e,, masyado kpa sigurong baby nung panahon na yan,,hehe
Akoni- hehe kala ko battered kid dati! haha! joke lang! ;p
sama mo ko sa time machine mo huh?!
apir!
sa totoo lang di ko alam ung Nutri ban.... kay bob ong ko lang narinig at nabasa un. Lasang sapal pa nga daw un eh. ahaha..
nangolekta din ako ng mga stationaries... til now sana nasa akin pa yun, pero na-Ondoy eh... ayoko ng mangolekta uli. hehe
Yes! it's good to reminisce the childie memories.
good day blogger
follow my blog here:
http://arandomshit.blogspot.com/
LeonRap-Nutri Ban-- yun yung tinapay na pinapamigay sa eskelahan na public, parang FEeding project yan nung 90'..
Danese--thanks sa pagkaligaw sa aking pahina...
hahaha! lahat ng cnabi mo swak na swak sa akin kung di ako nagkakamali kapareho lang tayo ng edad! ehem! oo kakamiss ang elementary ang highschool life,wala kang pinoproblema baon lang! hahaha!complete set din ako ng gameboy ha pati family computer!!
ala ala ng nakaraan ah.. tanda ko noong bata pa ko.. wala kami nyan family computer.. naranasan ko lang maglaro nyan sa kapit bahay.. game & watch pa uso noon at wala pang brick game..
alam mo ang nutriban ah.. inabot mo un? nung isang araw lang yata ako nakakain ng belekoy.. sa palengke sa Silang cavite meron ahehehe...
nawala yata comment ko.. kanina lang yun ah.. baka hindi napost..
ulit na lang..
ayun, nutriban eh inabot mo? ibig sabihin eh, nasa hustong pagiisip ka na din ng mangyari ang edsa 1? hehehehe.. juk
noon ni hindi ko naranasan magkaron ng family computer sa bahay.. poor much kami.. sa kapit bahay lang ako nakikilaro.. :)
gandang aaw :)
nagcomment na ba ako?!! kamot-kamot
Iya_khin- hehe ayun! nadoble ang iyong comment..haha!
I'm 23 po.. kaw ba?
Istambay- hindi ko inabutan ang Edsa1 kasalukuyang nasa proseso pa lang ako ng paggawa nun..hehe
And layp naman ng bilihan ng Belekoy nakakalungkot.. :(
pacomment.hihi wow naalala ko ang lahat ng iyan, kaya lang bakit sa school ko noon walang nutri ban eh public school din naman ako nung elementary libreng milo ang meron.hahaha ang fav ko sa family computer ay adventure island.masarap balikan ang nakaraan,kung pede lang bumalik sa pagkabata. :)
Thanks sa pagkaligaw sa jumamji kong Blog :)
wala bang nutriban? hhmmm baka dpa naimbento nung panahon mo.. jox! ;p
Post a Comment