Tuesday, February 1, 2011

Emoterang JolOg's part Wan

3:04 PM na..
wala pa ring workload kaya eto si blog muna inatupag ko..
mag aapat na oras na ko sa opisina at wala paring sinisimulang gawin.. dahil wala pang sisimulan..
gugulatin ka na lang nila mamaya pag chi.neck mo na ulit yung joblist at tatambakan ka na ng trabaho..
dadating ang trabaho pag malapit kna umuwi hehe..
12:00 PM - 9:00 PM kasi shift ko.. mula nang makasabay ko si Bossing sa hagdan bandang 11:30 ng umaga.. paakyat ng opisina namen noong 10:00- 7:00PM pa ako.. at sinabihan nya kong "bakit ako laging late" syempre wala naman akong maibigay na magandang dahilan bakit consistent ang pagiging late ko..
Hindi ko naman pwedeng sabihin na "kelangan ko pa po kasing mag part-time katulong sa tinutuluyan kong bahay pag umaga para po hindi ako masisante ng amo ko at palayasin nanaman ako" malamang sasabihan lang ako nun na.. "bakit dka na lang mag full time katulong!?" malamang sasagot din ako..
"wala po kasing sahod yun" hindi ko mabubuhay ang pamilya ko..
anu't ano man ang idahilan ko, walang excuse for being late.. but... I am always late.. tsk tsk

napakapangit na pag uugali..

mabuti na lang mabait mabait si boss.. sinabi nyang magpalit ako ng shift kung gusto ko..
kahit 12 :00 PM- 9:00 PM daw ako.. Syempre! pumayag ako! malamang para hindi ako mahirapan bumangon ng maaga,

Awa ng Diyos..mula ng mag palit ako ng schedule.... Late pa rin ako.. haha!!!!
at Awa ng Diyos.. Regular na ako..
salamat sa Boss naming nagtitiwala pa rin sakin kahit na palagi akong late
ginagawa ko naman ang trabaho ko kahit lagi akong late at nag eextend naman ako ng oras ko para i-off set ang late :))


Pero hindi yan ang gusto kong ikwento ngayon...
marami akong hinanakit na hindi ko alam paano ilalabas..
ayaw ko namang sa ibang paraan ilabas yun dahil hindi maganda ang amoy.. at wala din namang konek sa nararamdaman ko..
masyado nang mahaba ang nailalabas na katas ng utak kong masabaw sa problema at ideang walang kwenta pero hini ko pa rin nasasabi ang gusto kong sabihin..
Hindi ko kasi alam pano sisimulan.. sa sobrang haba ng araw na hidi ko mailabas ang galit at sama ng loob ko..
kaya sige mag papart two na lang ako ng emote ko.. ;p









4 comments:

Lhuloy said...

naku ilabas u lang yan day!
baka sumabog ka..jejeje...

KristiaMaldita said...

hehe...
thanks sa concern girl :)
add nga kita sa FB..ok lang?

Event Lover said...

natawa ko dito

"marami akong hinanakit na hindi ko alam paano ilalabas..
ayaw ko namang sa ibang paraan ilabas yun dahil hindi maganda ang amoy.. at wala din namang konek sa nararamdaman ko.."

hahaha !!!

Out if the Closet, Into the Streets said...

Jologs, karapatan mo bilang isang tao at lalong lalo na bilang isang babae ang ilabas ang sama ng loob mo... sumigaw ka, magmura ka, magwala ka... walang pakialam ang mundo sa gagawin mo dahil buhay mo yan kaya wag mo isipin ang mga sasabihin ng mga tao sa paligid mo dahil ang mga tao ay mapanghusga! ikaw lang ang makakaalam kung talaga bang karapatdapat ang mga ginawa mo mabaho man ang amoy o hindi.. ikaw lang...