Thursday, February 24, 2011

A prayer for OFW's






Dear God,


You crossed every border between divinity and humanity to make your home with us. Bless  our fathers, mothers, brothers and sisters who have travelled to foreign lands with faith in their heart leaving their families behind as they break through the barriers of people, cultures, and languages to escape oppression and poverty.

There are many things going on that are beyond us even with our collective power. We come to thee in supplication and heartfelt pleadings as we are mindful of the ordeals of others. 

We thank Thee for hearing the prayers of your people as China grant reprieve to our three OFWs and may the Chinese government grant a lesser penalty to their case.

We pray for the thousands of OFWs who were incarcerated and imprisoned in the Middle East, Asia and other continents, may Thou please grant them a new hope  and  freedom to return to their families to begin a new life as they entrust their lives into Thy hands. May Thou enlighten our leaders to put the plights of distressed OFWs as a priority and withdraw from plans of cutting the budget allocation for DFA's social service and legal assistance funds. 

We pray to Thee that our OFWs in Taiwan will soon be relieved of the fears and uncertainties that haunts them on the current Taiwan-Philippines rift. May the government emissary would soon find an immediate resolution to this issue so that those more than five thousand scheduled for deployment will now be allowed to take on their jobs, and the nearly a hundred thousand currently employed may keep their jobs and be able to sustain their families.  

We pray that may Thou please keep our overseas Filipinos safe in the escalating conflict in countries where democratic renaissance in Muslim nations is unfolding from Morocco, Egypt, Yemen, Bahrain and Libya as they await the immediate repatriation efforts being taken by our government agencies and may their families in the Philippines be freed from fear and worries of their condition and that the OFWs safety is assured despite the worsening condition. 

We pray that may Thou save from harm our Filipino workers in war torn countries of Iraq and Afghanistan, as well as OFWs in Nigeria, Somalia, Lebanon and Jordan, who have taken great risks to continue their fight against poverty to support their families in the Philippines despite of the work deployment ban imposed in these countries. 
We pray for the safety of the Filipino nurses trapped in the rubbles during the earthquake in New Zealand, and the rest of the OFWs and Expats around the world who are suffering from natural calamities, diseases and injustices that they may find comfort through faith in Thee.

Hear our prayer Lord, to end the corruption that plague of our nation, the poverty  and violence that displaces millions of our Filipinos from their homes, which separate and divide families.

As we await for the signs of time when the Filipinos around the world, the fathers and mothers brothers and sisters, and sons and daughters may be reunited as one happy family. that going abroad as an OFW is the least option. We pray for Thine tender love and kind mercy, with our faith, with our hope, with our love to thee, we pray for power greater than us all, we pray for divine intervention.





This is a joint call from the Pinoy Expats/OFW Blog Awards, or PEBA, Inc, along with its 300+ KABLOGS, the RMN News Bantay OFW radio program and the Blas Ople Policy Center and we are asking for your prayers or support by reposting this to your blog, posting this link in your FB, Friendster and Twitter accounts or sending this as email to your networks.

The original photo where the image was taken in this post was an official entry by Erwin Serrano from Riyadh Saudi Arabia, 10th rank winner to the 2010 PEBA International Photo Contest.

Wednesday, February 23, 2011

Pulis na Matulis

HARHARHAR!!!

Ayun naman kase...
Sa mga panahong ito ay nasira ang system na ginagamit ko..
Remote Desktop kasi ito (titipid ang amo)
kaya naman kailangan pang itawag sa Las Vegas dahil doon ang main office/hospital na linalaro este tinatrabaho ko.. Kaya naman eto't tengga ako kaya naisipan kong iblog ang nakakabwisit eksena Kagabi

12 MIDNIGHT

Yan ang out ko.. masyadong maaga para sa isiang hostess hehe.. juk lang!

Bago ako umuwi ay nagkayayaan kame ng mga officemates ko na mag yosi muna sa baba ng building bago
ako umuwi..


Sa ibaba ng buliding namen ay may dalawang ATM machines sa pagitan ng Entrance ng gusali,
Habang nagsusunog kame ng aming mga baga at nag papalitan ng kuro-kuro tungkol sa laban ni Donayre ay hindi namen/KO sinasadyang matayuan ang harap ng isa sa mga ATM machines, at sa di kalayuan ay may isang mama na nakatayo sa kanyang motor..

napansin nanamin sya doon pero keber kami sa kanya dahil abala kame sa paghuhuntahan...

ng biglang...


"Umalis nga kayo dyan!" 

"Doon Kayo"

Sabi ng isang tao sa likod namen...

ako ang sobrang nakaharang kaya naman nag sorry ako at lumayo kame sa ATM machine
Marami parin syang sinasabi na hindi namen mawawaan..

nakauniporme sya, naka jacket, ISANG PULIS ang manong...
base sa posas na nakasabit sa kanyang bewang at ang mainggay na raydong maya't maya'y talak ng talak

tumahimik kamen bahagya dahil naroon pa sya...

at pagkatapos nya gumamit ng makina e tumingala pa sya at hinanap ang CCTV camera,
bago pa sya umalis e napakasama pa ng tapon ng kanyang tingin samin, nakakairita sya!!! nakakainsulto
at napaka arogante!

mayamaya pa e pinahaharurot na nya ang napakabulok nyang motor..


Hindi ko lubos maisip bakit ganun ang naging akto nya samin,
hindi naman siguro kami mukhang mga hold-upper o snatcher na pagnanakawan sya..

Hindi na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses na akong naka-encounter ng ganyang klaseng pulis..
napaka yabang at arogante.Hindi ba ang isang pulis o alagad ng batas ay nangangalaga ng kayusan ayon sa batas? sa tingin ko wala naman ako/kameng nilalabag na batas doon

hindi tuloy nakakapagtaka kung bakit ang mga tao ay wala nang tiwala at respeto sa kanila dahil sila mismo ang nagpapakita ng kabilktaran neto sa mga mamamayan.. tsk tsk.. kaya sa tuwing nakakakita ako ng unipormadong pulis, ay hindi ko amiwasang kumunot ang noo ko at sumumangot..

Napakarami kong kilalang pulis na bulok at mga abusado sa kapangyarihan.. hindi ko na sasabihin ang mga pangalan nila syempre dahil baka maligaw ang blog ko sakanila at i.ambush ako..

PO1 palang hindi namarunong magbayad sa jeep

pulis na may-ari ng KTV bar

adik, magnanakaw,protektor ng sugal....

Tsk tsk..

hindi ko tuloy alam paano pa nila mapapabango ng pangalan nila sa akin..

tamaan na lang ang matatamaan pero eto ang nakikita ko, kung magvo.violent reaction kayo na hindi sila ganito e sana makita ko at mapatunayan ko...

tsk..tsk..

tama ba ako? o Taman tama?!

Ikaw? may tiwala ka ba sa pulis?


Tuesday, February 22, 2011

Ano Bang Blog to!? LOL

wala naman.. wala kasi akong maisipang i.blog ngayun kaya naman hindi ko alam san
makakarating tong sinusulat ko, este ti.natype ko pala...

Dahil siguro sa 3- 12 na ang shift ko e naninigas na rin ata sa lamig ng aircon ang utak ko..

Masaya ako, kasi siguro ewan ko..

Masaya lang ako at natuto akong magblog.. hindi lang siguro dahil nakakapag kwento ako ng mga walang kwentang thoughts at muni muni ko, pero mas masaya ako dahil may mga tao akong nakikiklala at dumadaan sa buhay ko, hmmm....

Dahil kasi WALA NA AKONG SOCIAL LIFE....

nakakalimutan ko na ang mga tao sa paligid ko, kaya naman I'm glad I  become a part of  "Blogs ng Pinoy"
hehe Imotera ko naman!! harhar

Last Saturday hindi na ako maka access sa mga website na madalas kong puntahan...
Wala ng Grooveshark,Web messenger, You tube, at ang mahal kong TV patrol Live..


mabuti na lang hindi inalis ang Blogspot.com

dahil kung hindi, e automatic akong masesend ng resignation letter.. hehe
pero joke lang yun..

hehehe.. ayun lang naman

wala na kong maisipan pang sabihin..

Walang kwenta tong blog na to..




Saturday, February 19, 2011

Childish Memories

“The things which the child loves 
remain in the domain of the heart until old age. 
The most beautiful thing in life is that our souls 
remaining over the places where we once enjoyed ourselves” - Khalil Gibran


Hindi ko alam pano ko sisimulan tong blog na to, eto lang kasi ang nasa isip ko

Napapagod na ko, nagsasawa na ko, nakaka stress!

Meralco,Maynilad,Renta sa bahay, Smart,Globe,sun
LBC,-- ayan ang mag problemang hindi ko pwedeng takbuhan sa araw- araw na ginawa ng Diyos
alipin na nila ako...

Ang hirap ng tumatanda, ang daming reponsibilidad sana habang buhay na lang akong bata...


(FLASH BACK)

alam mo bang laruin to?!

Siato,Luksong Baka,Chinese garter,Langit-Lupa,Mangga Mangga hinog ka na ba?!
tago-taguan,bangsak,Agawan base, Sipa,Sak-sak Puso, teleber-teleber

malamang may alam ka dyan kahit isa.. :)

Pampalipas oras din namin dati ang paglalaro ng Brick Game, may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob.Pero inggit ako sa kabit bahay naing Japanera kasi  Mas advanced sila Tamagotchi ang nilalaro nila. Pinapakain, pinapatulog , inililibing pag namatay na. may game boy pa,

Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.


may ganyan ka rin ba noon?
Nagkaroon din ako ng family computer, Mario Bros,Battle City,Pacman at Popeye ang favorite ko!

Meron din namang mga laruan na hindi masyadong magastos, tulad ng tagpipisong paper doll na mabibili mo suking tindahan nyo na may mga kasamang pares ng damit, pwede ring nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan  sa binilog na tanggkay ng walis tingting? kung minsan okra ang ginagamit, na ubod din ng lagkit.

O kaya naman e tansan na pi-pitpitin at patutulisin ang dulo at lalagyan na pisi, pulit-ulit mong papaikutin yunng pisi nya at presto! may blade ka nang laruan na parang maliit na chainsaw na sisira sa halamang tanim ng nanay mo o kaya naman e kapit bahay nyo..

 PAGKAING USO...

Nutri Ban!
- alam yan ng mga nasa public school.. pampatalino at pampalaki

Belekoy
-favorite ko yan! kahit sabihin nila sakin noon na gawa yon sa kulangot na may asukal e wala akong pakialam dahil sarap na sarap ako sa lasa ng kulangot, este belekoy..
20 centavos lang isa nun dati ngayun dko na alam saan maghahanap ng ganun.. ;(

Bazooka,tarzan, at texas bubble gum... tira-tira,
-gustong gusto nameng kolektahin ng kaibigan ko ang bazooka dahil may komiks na loob noon, akin ang komiks at sakanya ang gum, yun nga lang pag tapos nya nguyain at ubusin ang katas, sa ulo ko trip nyang ilagay kaya naman hanggang ngayon e magkaaway parin parents namen dahil sa ginawa nyan pagdikit ng bubblegum sa buhok ko..hehe

aratilis? makopa? kaymito? kamias?
-malamang ginawa mo rin to.. mahilig din ako umakyat ng puno at manungkit ng alatiris may hinog at maniba pa, pero hindi ko sila kinakain kadiri kasi lasa nila..


PALABAS

Mahilig ako noon sa mga palabas sa channel 2, at tuwang tuwa naman ang nanay kong nagbabad ako sa TV kasi naman Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela,pinapanood ko..
kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, Agatom at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad
( tumutunog sa utak ko ang theme song ng "Hiraya Manawari" )
Batibot na ang Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.kasama na rin sila Pong pagong, sitsirit-sit,uning-ning at luging-ging?PAti na rin si Kapitan basa at angelique Baso

Sinusubaybayan ko rin ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi,Marco,

Pati na rin syempre ang Shaider!!


Sa eskwela naman.. hindi ako papahuli sa mga pencil case na maraming kwarto at bukasan, may pinipindot pa para biglang lumabas si pambura at si pangtasa..hehe
ang notebook ko rin noon e yung mga idol ko sa Ang TV pati na rin ang Gwaping na patay na patay ako kay Eric fructuoso..

Mahilig akong mangolekta ng paper stationaries pagandahan at pabanguhan natigil lang ako ng pangungolekta nung grade 4 ako, nung nakita ko ang classmate at katrade ko sa paper stationarey na ginawang pamunas iyon nung bumahing sya at lumabas ang malapot nyang.. hhmmm.. dko na babanggitin nakakasuka!

mahilg din ako pumirma at gumawa ng Slumbook para naman malaman ko kung sino ang Crush ng Crush ko at crush ng bestfriend ko kasi naghihinala na ko na sinusulot nya ang Crush ko, at tama nga ang hinala ko! pareho kami ng crush at nag away kame dahil doon SInabihan oa nya akong ahas!! haha!!! dko makalimutan yun!

MUSIC

Syempre Spice Girls!! my poster pa ako nung panahon na yun..
doon ko din nasimulang magustuhan ang Eraserheads,Blakdyak, Alamid, TRue Faith ect...

Kilaal din ang kanta ni Andrew E nun.. at hanggang ngayon pagnaririnig ko sya e kayang kaya ko pa ring sabayan dahil kabisado ko pa sya..hehe
ang Eraserheds ninakaw ko nanaman kay google


hahaha!!! ang sarap sa pakiramdam bumalik sa bata
Kung halos ka-edad kita malamang nakakarelate ka sa mga sinasabi ko..

Ang dami ko pang gustong alalahanin pero kelangan ko nang bumalik sa realidad, kailanang tapusin ko ang trabaho ko para naman matuwa ang boss ko at hindi ako tanggalin sa trabaho dahil malang wala akong maipangtutustos sa mga bagay na umaalipin sa akin,


Masarap maging bata, hindi ko nga alam at bakit ang mga bata ngayon e nagpupumilit nang tumanda
samantalang ako etong gustong bumalik sa pagkabata na ang pinaka malaking problema ko lang e yung perang kukupitin ko pandagdag pambili ng paper doll at Belekoy..Pero masaya na rin ako, na.enjoy ko ang kabataan ko..nagawa ko ang bagay na giagawa ng isang tipikal na bata

Sabi nga ni Cynthia Ozick,Childhood is the most beautiful of all life's seasons.and What we remember from childhood we remember forever

kaya naman pag naaalala ko ang kabataan ko..
I can't help but smile and to reminisce more.. 

P.S kung sino man sa inyo ang may alam na bilihan ng belekoy, pwede nyong bang ipagbigay alam sa akin seryoso po ako, 5 taon na kong hindi nakakatikim neto.. huhuhu

-end-

Wednesday, February 16, 2011

e-mail kay JolOgs

ayun! Pasensya na muna kayo hindi ko muna mgagawa yung part 2 ng nightmare sa umaga ko.. para ikwento anung nanyare sapanaginip ko.. masyado din akong magigiung busy ngayong araw na to dahil maraming trabaho ang naiwan sakin kaya kailangan mag focus muna.. hehe

Pero share ko lang tong moment ko pag pasok ko today,
Pag Pasok ko....

Nag.In sa biometrics
Pinindot ang On button ng CPU
nag set up ng computer, nag bukas ng email......

at CHARANNNNNNNNNNNN!!!!!

may email galing kay BOSS..

kinabahan ako, hindi naman kasi ako laging nakaakrecieve ng email galing sa kanya hindi tulad ng kaibigan kong si Rbee na SUPER friends sila!! anong connect ni Rbee?! wala lang binanggit ko lang sya, sya kasi yung officemate ko na author ng http://outoftheclosetintothestreets.blogspot.com/ 
ang Lasallista friend ko dahil minsan lang magkaroon ng kaibigang maganda, ANG  JOLOGS maganda ang eskwelahan.. haha! juke lang Arb's lhabyu!! :) Subukan nyong sumilip sa pahina nya at mabasa nyo ang mg idelohiya nya sa buhay buhay at sekswalidad.Masasabi ko namang Matalino at magaling sya..mahahalata mong ang isang tulad nya ay may lahing galing sa politika

at higit sa lahat mabuting kaibigan ni Jologs yan.. hehe 
 Grabe build up ko sa kaibigang kong to.. hehe :) 

Ayun! tapos na Patalastas...

Kinakabahan akong biniksan ang email nya sakinnnn...
--------------------------------
Hi Pham 

Let's talk Tom
Or thurs.

R.... L....
____________
Sent from my iPhone
--------------------------------

Short and Concise

hindi ko na linagay ang pangalan ng boss at ng kumpanya namen dahil baka i google nyo pa at hanapin nyo ako don kung saan baka sa mga panahon na yon ay wala na ko sa trabaho dahil lage akong late .. hehe

Kinabahan ako lalo.Bakit kaya kailangan namen mag usap?! hindi sya mag eemail ng ganun sa akin kung hindi mahalaga, araw- araw akong nag eemail sa kanya ng mga reports ko pero hindi naman sya nagrereply,ngayon lang..

Habang nagtatrabaho ako e hindi parin ako mapalagay, ang daming tumatakbo sa isip ko lahat NEGA,
hindi ako makapag focus.. Maya maya pa..

AYUN!! narinig ko na boses nya..

andyan na sya....

andyan na sya.. (Ouija)

Kinabahan ako ng bonggang bongga....
but I have to compose my self and be ready for the shocking revelation na maririnig ko sa kanya..

Lumapit sya sa sakin..

"pham, come to my Office"

(ageeee!!!! kabado much!!)
(biglang tayo.). "Yes ma'am"

Pumasok ako ng Opisina nya na parang may hatol akong haahrapin

.................

Awa ng Diyos..
Lumabas naman akong nakangiti.. hehe

Inabot lang pala sakin yung Contract for Regularization ko.. ahehe...
and I'll be in our Phase II Acct. by next month!

Nakng Pu! THRILLER, SUSPENSE,HORROR, COMEDY and DRAMA ko today..

ayun lang!!

Share ko lang masap lang sa feeling sa dami ng trabahong pinasukan ko at niresig.nan ko naregular din ako sa wakas..Nakanap din ako ng mapag tsatsagaang trabaho, kaso bored na rin ako pero kelangan e.. sayang naman ang benifits hehe..


Sa sunod na lang ulet..
Kakain muna ako.. tomjones na e..

salamat kay Google


PATALASTAS.....

http://blackandwhiteaffair.blogspot.com/

Isa ko ring kaopisina na nagmamaasim sa blogsphere..Isa naman syang "Kulasa"
ayun.. ayaw ko masyadong basahin dahil baka ma hemorage ako sa kakanose bleed dahil Engles ang lingwahe nya...juke lang din!!! haha!!



-bowowow-

Tuesday, February 15, 2011

Nightmare sa Umaga...

Busy.ng busy ako sa pag tat-rabaho ngayon
ng bigla nanamang sumirit sa utak ko..........

.....................

nakakatakot na nakakatawa

Hindi ko alam kung nightmare ba tawag don kasi umaga sya nangyare.

ahu!

ambot!

panaginip ko kaninang umaga..


Oo umaga mga bandang alas Diyes ng umaga, ganung oras kasi ako
gumugising para pumasok sa Opisina..at ganoong oras din ako nananaginip at hindi ako makaget-over hanggang sa pag kain at pag Jebs ko at halos hanggang nasa biyahe na ko, kahit suksukan ko ng headset para hindi ko sya maalala  pero ayun parin sya't parang vulcasile na nakadikit sa isang butas ng sumisingaw kong utak..

Naisip ko lang naman bakit ang mga panaginip e nagiiba- iba ng eksena!? Nandun ka sa isang eksenang nakaaktakot at papatyin ka tapos bigla nalang lulutang ka sa ulap at magkaakroon ng Kapangyarihan at kasabay nun e ay maaalimpungatan ka at mauudlot ang panaginip mo.. syempre ako ginagawa ko matutulog ako dahil alam ko naman nag to.to be continue yung eksena sa panaginip ko Seryoso..
matutulog ako ulit para mapagpatuloy yung panaginip ko, pero sa mga panahon na papikit ko e nakokontrol ko yung panaginip ko pero pag nahimbing nanaman ako e mapapadpad nanaman ako sa kung saang dimensyon ng aking panaginip.. kakabuang!

minsan nga naiihi pa ko sa panaginip ko.. haha!!
di ko makakalimutan yon ah!!!

Nasa College ako noon, isa ring eksena sa panaginip ko na kala ko e nasa banyo ako at nababawas ng likido sa katawan.. ayun! nacarried away ako" naramdaman ko nga..Oo! mainit! ang init sa pakiramdam ang init sa umpisa hanggang sa naramdaman ko basang basa na ko at kama ko.. Oo tama!! basang basa na nga ako ng ihi ko.. haha!! JOLOGS talaga!

MAy panaginip din ako na minsan  kasama ko sa eksenang yun yung mga idol kong artista..
Anne Curtis, Angelica P.,Ding dong Dantes, Jay Manalo, at kung sino sino pa.. Kaya naman feeling ko close na close kame.. kaya pag napapanood ko sila sa TV natatawa ako sa sarili ko..


"Sa panaginip lang ako may nagagawa
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita
nahahagkan t'wina doon lang"-- haha!!!!! - Alam kong alam mo san ko kinuha yan! hehe
Isang beses..

Kasma kita...

Masaya tayo...

Magkatabi, nagtatawanan..


Hanggang sa..



tapos biglang...

May sasabihin ka raw..

Tapos..

May kakalabit sakin.. paulit ulit..

Paulit ulit hanggang sa maalimpungatan ako..

Toinks! nakatulog pala ako!

Ano kayang sasabihin mo?!?!

tulog muna kaya ako ulet?! hhmmm....

Friday, February 11, 2011

Cannonball


Bata pa lang ako mahilig na talaga ako sa musika, ( at alam ko na nun kahit bata pa ako na ayaw ng misika sakin) pero keber lang yun.. basta mahilig ako makinig ng radyo Eto yung isang kantang hinding hindi ko pinagsasawaan..


kanta ni Damien Rice na narinig ko to nung high school pa ko
at kahit na hindi ko pa nun naeexperience ang maging "inlababo"
e gustong gusto ko padin yung content ng kanta...

maraming mga bagay bagay na mahirap ipaliwanag sa salita pero alam mo sa sarili mong naiintindihan mo..
parang mahirap ka kung paano mo ie.express o ilalabas pero alam na alam mo sa sarili mong nuunawaan mo, ganyan kasi ako, may mga bagay na hindi ko maipaliwanag pero alam kong naiintindihan ko..
hindi kasi ako marong mag express ng mga kuro-kuro sa magandang paraan.. hehe

parang tong kantang to..

Gusto ko pero hindi ko masabi kung bakit..

Malungkot ang tema ng kanta kaya naman masarap pakinggan.. hehe
eto you tube official video nya.. ninenok ko kay You tube





Let's sing together...

"Cannonball"

Still a little bit of your taste in my mouth
Still a little bit of you laced with my doubt
Still a little hard to say what's going on

Still a little bit of your ghost you witness
Still a little BIT of your face I haven't kissed
You step a little closer EACH DAY
That I can't say what's going on

Stones taught me to fly
Love taught me to lie
Life taught me to die
So it's not hard to fall
When you float like a cannonball

Still a little bit of your song in my ear
Still a little bit of your words I long to hear
You step a little closer TO ME
So close that I can't see what's going on

Stones taught me to fly
Love taught me to lie
Life taught me to die
So it's not hard to fall
When you float like a cannon

Stones taught me to fly
Love taught me to cry
So come on courage!
Teach me to be shy
'Cause it's not hard to fall
And I don't WANNA scare her
It's not hard to fall
And I don't wanna lose
It's not hard to grow
When you know that you just don't know

courtesy of azlyrics.com



Siguro May mga bagay talaga na Puso lang ang nakaiintindi.. ;)


BOW--

Wednesday, February 9, 2011

Cockroach in Can

Ok! fine! Sige..

Matagal ko nang pinag iisaipan kung ibo.blog ko ang isa sa pangyayari sa buhay kong hindi ko malilimutan,,
na ako at ang BF ko lang ang nakakaalam....(Ooopppss! don't get me wrong)
Isang nakaakdiri at nakakatawa (para sakin) pangyayari  na marami akong natutunan.

NAKAKADIRI..

 NAKAKATAWA at

NANAKATUTO..

ewan ko lang kung ano magiging reaksyon ninyo pag nabasa nyo to pero wala e! nangyari talaga to sa buhay ko at sa tuwing naaalala ko to nandidiri pa rin ako ;p


December 2008

I have decided to Spend the Christmas with my BF since my family was living in the province and I can't afford to go there dahil na rin sa hectic ng schedule sa trabaho at financial problem (pulubi kasi ako) and also, that will be our first Christmas together.. I was excited and looking forward for that special Day..

Anyways... fast forward na tayo...

Ayun! 24 ng hapon paguwi ko galing trabaho e ako na nagprepare ako ng ihahain namin para sa Noche Buena since wala din naman silang parent's na magaasikaso sa kanila..

Syempre lutong Jolog's ang hinanda ng lola mo..
Typical na makikita sa hapag ng mga mahihirap
Pritong Manok, barbecue, spaghetti,hamon at konting dessert buko Salad ayun na! tapos!
pagkatapos namen magsimba nung hatinggabi ay malamang linantakan ko na ang pagkain na parang bukas e ilalagay na ko sa electric chair na dapat kung punuin ang hanggang sa kasingit singitan ng bituka at tiyan ko.. haha! ganun naman talaga ako pag pasko at bagong taon at siguradong tuwing kinabukasan ng handaan e banyo lagi ang kapiling ko dahil sa empachong nararamdaman ko.. (routine ng holiday ko yan annually)

Kaya naman etong si BF e pinayuhan akong uminom ng pineaaple juice para naman daw matunanaw yung mga nagsesebong mantika sa tiyan ko dahil Rich in Fiber daw yon,at makakatulong sa magandang digestion ng tiyan ko,at kung ano pa ng pwede nyang gawin sa kung ano- anong pinapapasok ko sa tiyan ko.. tapos, ako naman syempre dahil si BF ang nagsabi naniwala naman ako.. mahal mo e, kahit pa siguro acetone ipainom sakin iinumin ko that time.. hehe  pero joke lang yun!

kaya bago kami natulog ng 25 ng madaling araw bumili nga ako ng pineapple juice in can, syempre del monte yun.. hindi ko na namalayan na hindi ko naubos yung laman ng lata at naipatong ko iyon sa lamesang malapit sa tulugan namen ni BF..Dahil siguro sa pagod buong maghapon at magdamag.. hhmm.. syempre kasama na yun.. haha!!!

Zzzzz...


Kinaumagahan bandang alas diyes ng na noon.. ginising an ako ni BF dahil uuwi kami sa Caloocan sa mga kamag-anak ko, para bumisita.. nakita ko yung inumin sa lamesa at naalala kong hindi ko iyon naubos.. kaya naman walang pakundangan kong tinungga yung lata para ubusin yon!!


at AYUN NA NGA!

narandaman kong ma laman ang loob ng lata sa bikod sa likidong laman nun kinakalabit ang nguso ko at nagulat ako!

PAGSILIP KO...

P#@$*!!!!!!!

MAY IPIS ANG LOOB NG LATA!

T#@^% *@& TALAGA!!!!

Ending... sinuka ko lahat ng kinain ko nung nakaraang gabi kahit na siguro sinisumulan na ng digestive system kong durugin ang mga yun... naisipan ko din uminom ng alcohol para malinis mula bibig hanggang bituka ko pero hindi ko ginawa dahil baka malusaw naman ang laman loob ko.. haha!!! pero atleast hindi nangyari ang taon taon kong paeempacho pagkatapos ng holiday.. dahil sinuka ko naman yoon haha!!!! ;p


MORAL LESSON:

*Huwag mag iwan ng bukas na inumin sa kung iiwan mo yun sa open place..
*Bumili ng refrigerator kung balak mong hindi ubusin ang iinumin mong in can drink dahil ayaw ng ipis sa  malalamig at maliwanag na lugar ( nabasa ko yun sa diary ng kapitbahay namenh ipis sa tabi ng kwarto namen ni BF)
* Silipin munang mabuti ang lata kung hindi afford bumili ng REFF para sa juice na bibilhin kung iinumin mo to isang araw matapos mo syang buksan.. Gets?!!


Sana naman ay ma maututnan kayo sa katangahang at nakakasulasok parte ng buhay ko.. ;))

Imagine mo na lang paano uminom ng juice na may ipis :))

_END_

Tuesday, February 8, 2011

127 hours = I like!!





I spent my last rest day of my week yesterday at home, ( bahay ng bf/ex bf ko) hehe dahil sa NPA ako dito sa Maynila..

I just want to share this amazing film I watched for 2011 so far, but I guess maganda talaga sya and this film was nominated for Academy Awards, at may other 5 best actor awards for James Franco from different award and organizations.

I first watched this while riding a bus on my way home from work. hindi ko naman sya natapos noon dahil hindi naman aabot ng almost 2 hours ang pagbiyahe mula Makati hangang Tambo :)) I get hooked on the film dahil kahit sa umpisa pa lang ng film eh maaamaze kna sa sa ganda ng lugar nd the adventures he made, lalo na nung dinala nya yung 2 girls sa hidden pool!

pero that time hindi ko pa alam anong movie sya, kaya naman nagtsaga akong maghintay at mag search sa net about sa Movie na to, at ayun! salamay kay google nakita ko sya at ayun pala ang title nya.. hinanap ko at inunahan ko na ang premiere nya.. hehe

The film 127 Hours is an action movie with a guy, who cannot move. It is movie made on real-life incident of Aron Ralston and is an adaptation of Ralston's book 'Between a Rock and a Hard Place' James Franco's acting is the main attraction of the movie. AR Rahman music score, breath-taking cinematography and excellent storyline are its other highlights.

he movie is all about mountain climber Aron Ralston, whose remarkable adventure to save himself after a fallen boulder crushes his arm and traps him in an isolated canyon in Canyonlands National Park of Utah. Director Danny Boyle re-creates this true story of survival with incredible brio. By using flashbacks, hallucinations and kinetic editing, Boyle transforms a necessarily static situation into a collage in which we get to see a man pondering his imminent demise and discovering whether he has what it takes to save himself.

Aron Ralston (James Franco), a mountain climber, embarks on a wilderness jaunt in a Utah national park without informing anyone where he was going. After a frenetic couple of hours on a mountain bike, he continues on foot and meets Megan (Amber Tamblyn) and Kristi (Kate Mara), who are lost. But in a freak accident, he is literally stuck between a rock and a hard place trapped by his forearm between a boulder and a cliff-face. Over the five six days, with no sign of rescue and his water having run out, the brutal solution to his ghastly predicament became increasingly clear.

I recommend you to watch this film :))

a sad but not so sad story..




Saturday, February 5, 2011

Mag Dapat Baguhin.. (crossed fingers)

Nanakit na mga mata ko,bakit? sa kakatitig sa monitor ng PC sa station ko..
Nananakit na likod ko, bakit? apat na oras na kasi akong nakupo dito sa tapat parin ng PC sa station ko..
At nananakit ang Puson ko, Bakit? hehe.. kasi Red alert ako.. haha!!!
may mga pending workload pa ako apat na oras na ang nauubos ko sa loob ng opisina pero wala akong ganang mag trabaho.

 kaya i.blog ko muna to..

Sa apat na oaras ko dito ay wala pa kong nagagawa kundi buksan ng paulit ulit yung mga excel sheets na dapat kong gawin, trabaho ng kaunti, sumilip sa mga blog ng may blog habang sumusubo ng pizza..hehe
Ang hirap mag focus sa trabaho ng may mabigat na iniisip.. kahit anong pilit kong ituon isip ko sa trabaho
e, parang kabuteng sisingit sa kukkote ko mga problema ko..

Pero ayaw ko na kasing maging bitter e,, baka kasi sa mga susunod na araw pag bukas ko ng Blog ko e isang AMPALAYA na ang lumabas sa screen ng Computer sa sobrang bitterness na laman netong Blog ko,,
hindi naman ako ganito dati, sobrang masayahin ako at baliw pag dating sa persepsyon ng buhay buhay..

Dahil lang sa isang taong maraming binago ang buhay ko..

Pero wala naman akong dapat sisihin,, It's my choice and I have to deal with it..



Marami akong dapat at alam na dapat baguhin sa buhay ko 

Tulad ng :

1.Wag paikutin sa isang tao ang buhay mo
2. Magtira ng para sa sarili ( mahalin muna ang sarili para mahalin ng iba)
3. Explore ang life! (parang pareho lang ni #1)
4. Paninidigan ang mga sinasabi..( Oo ngayun, pero bukas baka pwede nang bawiin??!)
5. Wag magbulag bulagan sa nangyayari sa paligid-ligid
6. Tumayo sa sariling mga Paa (malamang! try ko kaya manghiram ng paa sa iba? hehe)
7. Matuto mag tipid!!!!!!!!!!
8. Wag mag aksaya ng pera sa walang kwentang bagay ( exemption: Red horse, pulutan, Yosi)
9. Wag na mag puyat para maaga namang Gumising Consisitent ang Lateness e!

at higit sal lahat matutong wag sumagot sa lasing.. Muntik na kong mapaaway dun!

wala na.. wala na kong ibang maisip e!

Gagawin ko to.. promise!!!

mamaya? bukas? Next day? Next week? pag tapos ko mag yosi mamaya?
pag nakalipat na ko ng bahay? pag naubos na panindang kikiam ni Manong sa baba ng office?
o kaya pag naubos na yung tiles na bumabalot sa building ng opisina namen? hmm..

Cge na nga! 

ewan!

basta bahala na!

Ayun! next time ulit back to work na ko, ubos na pagkain ko hindi pa ubos ang workload ko ;p

AyTenkyOu


Friday, February 4, 2011

Game Over

BABALA: Ang Laman ng Blog na ito ay pawang hinanakit at Drama ng isang Jolog's
wag nang ipagpatuloy ang pagbabasa kung ayaw mong maunay at marindi ang mata mo sa masagwang pagiinarte at kaemote-an ( parang same lang noh?)ng may Blog na ito.. 


I hate to see the one I love happy with somebody
but I surely hate it more to see the one I love unhappy with me...


Etong mga bagay na nagpapabagabag sa isip at puso ko..
Wala lang palag ang Blog kong ito na magreklamo sa kaartehan ko dahil ako ang gumawa sa kanya..
 sana maintindiahn ako ni Blog na ito ay isa sa mga output ko na pag labas ng hindi Magandang Saloobin tungkol sa mga nangyayari sa buhay buhay ng isang Jologs..

Simulan na ang aksyon:

Dear Dudoy ko,,,,

Siguro ngayon ayaw mo nang tatawagin kitang Dudoy ko..
Kasi nga ayaw mo na sakin, ayaw mo nang tawagin kitang akin..

Una sa lahat ang dami kong gustong sabihin sayo..
pero syempre alam ko namang kung gagawin ko yon e, malamang tutulugan mo o kaya e tatalikuran mo lang ako dahil sa aksaya sa panahon mo ang pakinggan ako.

Masama ang loob ko,  Oo syempre malamang..
bakit? nakakasama ng loob na hanggang ngayon hindi mo rin alam paano ayusin ang mga problemang dumarating saten, nakakasama lang ng loob malaman na kung kanikanino ka nagrereklamo ng problema naten
at sa tao pang dahilan kung bakit din nagulo ang relasyon naten before.. ans sakit isipin na ako ang kasama mo at tayo ang may problema pero sa kanya mo sinasabi mga hinanakit mo, pagdating sa akin ni ha? ni ho? wala akong marinig galing sayo.. sa tingin mo maaayos ang problema naten..Wag mong idadahilan sakion na kilala ka ng taong yun dahil ni minsan sa pagkakaalam ko, hindi sya nakarating sa bahay mo at hindi nya alam kung anong buhay meron tayo...ako ang kasama mo sa bahay mas KILALA kita!

Isa pa, Lage mo na lang akong  tinuturing na Option mo..ako last Option mo sa tuwing may pipiliin ka, sa pag dedesisiyon sa buhay mo, nasanay kana kasing sunud sunuran ako..
sa tatlong taon na pagsasama naten lahat ng kaya ko ginawa ko sayo
Mula noon hanggang ngayon lahat ginagawa ko just to please you.. mula sa pag kukuskos ng Onidoro nyo hanggang paglalaba ng damit ninyong magkakapatid.. ako ang sumama sayo kasi mas magiging madali sayo ang tulungan sila at para tulungsn ksng tulungsn sila.. Hindi ko alam kung masyado kitang na spoiled kaya gsa tuwing magulo ang isip mo e pagtaatbuyan mo ko,

Kaya kong mabuhay mag-isa na hindi umaaasa sayo, may trabaho ako at Regular kumikita ako, marunong akong mag luto malinis ng bahay maglaba, prove and tested mo yan kaya wag mong isipin na kaya hindi ko kayang humiwalay sayo dahil umaasa ako sa iyo..

Ginagawa ko lahat nang to para sayo, iniisip ko sa pag alis ko, sinong maluluto ng Sinigang na malapot? sino magpupunas sa maiinit mong katawan pag may sakit ka? sino maglalaba ng underware mo pag naubusan ka ng isusuot? sino mghahanda ng isusuot mo at ng baon mo papuntang Opisina? sino mag paplantsa? Sino amg aasikaso sayo pag uuwi kang lasing at magkaaklat ka sa higaan ng iniluwa mong alak? sino magbibihis ng pantulog mo pag tinatamad kna magbihis sa gabi? sino maghahanda ng higaan mo? Sino na magluluto pag may handaan? at higit sa lahat... sino yayakapin mo pag malamig sa madaling araw? ;(

Alam ko naman walang umiintindi sayo sa loob ng bahay mo kundi ako lang e, Oo inaamin ko may pagkakataon na wala din ako sa hulog pag tinopak.. pero haller??!! Tao lang din po ako...
Kung ikaw nga lalake every other day kang parang may dalaw na laging nakabusangot ako pa kayang hindi mo nabibigyan ng panahon mo?

Mabuti pa mga katext mate mo.. narereplyan mo..
Mabuti pang mga ka facebook mo.. nakakapag chat kayo, may like na! may comment pa!
mabuti pa mga bata sa tapat ng shop nyo nakikipagharutan ka..
HIndi mo ba napapansin lahat ng yon? O talagang manhid kna at nasanay kang may umaalalay sayo..
Hindi ko alam bakit napaka bitter ko, siguro dahil din sa akala ko may magbabago pa sayo..

ang tagal kong mapagod! ang tagal kong magsawa! wala nman na akong nakukuhang kaligayahan bakit andyan parin ako..

Tama nga si Rbee, walang magyayari kung magtatagal pa tayo..
tama na ang 3 years of trial and error

Game over na..

Wala nang buhay..

Hindi na makahinga..

Salamat na lang sa lahat ng nangyari saten sana matuto na ako..

Mamimiss kita...

Mahal na mahal kita..

Sana magbago ka pagbabalik kna sakin.. at sana hindi pa huli ang lahat..

Ninenok ko kay gugel
Lhab. 
MOmmy ♥♥♥

Tuesday, February 1, 2011

Mga Tanong nG joLogs

Hindi ko alam paano ko sisimulan to..
ayaw kong mag emote kasi hindi naman daw sakin bagay..
di ko alam bakit nila sinasabi sakin yun..
E tao parin naman tingin ko sa sarili ko..
Pero..

Nabagabag ako sa kantang nakita/nabasa ko sa Blog ni Lhuloy..hehe
dati gandang ganda ako sa kantang yun.. napapangiti ako at sarap sa
Feeling (syet! arte!)pag napapakinggan ko sya..
pero ngayon.. ngiwi ang bumabakat sa labi ko nung pinakinggan ko sya..

f#^@*! talaga!

February na...

isang buwan na..

ang daming kong gustong sabihin!!
dko alam anu uunahin ko.. basta ang alam ko masama ang loob ko,
galit ako, bitter ako...

bakit kaya may mga taong pag pinapahalagahan mo ng husto, sila pa yung may lakas ng loob sisihan ka sa huli?
bakit kaya sa dinami dami na ng sinakripisyo mo.. kulang pa rin sa kanila tapos sasabihin lang nila "hindi ko naman sinabing gawin mo yon diba?"
bakit kaya yung mga taong nagpapasaya sayo yun din dahilan ng sobrang kalungkutan mo...
bakit may mga taong masaya ka at gusto mong maksama e kabaliktaran ang turing sayo?
bakit kaya sa mga panahong nagkakaintindihan kayo siya lage kasama mo, pero pag may problema na sa iba kna ihahabilin?
bakit may mga taong kahit anong pilit mong intindihin e, hindi ka yang intindihin pabalik?
bakit kaya kahit anong gawin mong kabutihan e katapat lang ng maliit na kamalian?
bakit kaya my mgs taong imbes pinauusapan nilang dalawa ang problema e mas gustong sa iba kwento at magpaawa sa iba?
bakit kaya may mga taong saksakan ng yabang kahit wala na halos maipagmalaki sa buhay?


nakakairita!

kahit ayaw kong magalit...

nalulunod pa rin akong isipin  kung ano pagkukulang para sa isang mabuti at maayos na relasyon..
hindi ko rin alam ano pa ba dapat para maging idael girl ng wala din namang idea kung anu ibigsabihin ng ideal!!! haha!!!

ang sarap talaga lokohin ang sariling maging masaya... hahahahaha!!!


Emoterang JolOg's part Wan

3:04 PM na..
wala pa ring workload kaya eto si blog muna inatupag ko..
mag aapat na oras na ko sa opisina at wala paring sinisimulang gawin.. dahil wala pang sisimulan..
gugulatin ka na lang nila mamaya pag chi.neck mo na ulit yung joblist at tatambakan ka na ng trabaho..
dadating ang trabaho pag malapit kna umuwi hehe..
12:00 PM - 9:00 PM kasi shift ko.. mula nang makasabay ko si Bossing sa hagdan bandang 11:30 ng umaga.. paakyat ng opisina namen noong 10:00- 7:00PM pa ako.. at sinabihan nya kong "bakit ako laging late" syempre wala naman akong maibigay na magandang dahilan bakit consistent ang pagiging late ko..
Hindi ko naman pwedeng sabihin na "kelangan ko pa po kasing mag part-time katulong sa tinutuluyan kong bahay pag umaga para po hindi ako masisante ng amo ko at palayasin nanaman ako" malamang sasabihan lang ako nun na.. "bakit dka na lang mag full time katulong!?" malamang sasagot din ako..
"wala po kasing sahod yun" hindi ko mabubuhay ang pamilya ko..
anu't ano man ang idahilan ko, walang excuse for being late.. but... I am always late.. tsk tsk

napakapangit na pag uugali..

mabuti na lang mabait mabait si boss.. sinabi nyang magpalit ako ng shift kung gusto ko..
kahit 12 :00 PM- 9:00 PM daw ako.. Syempre! pumayag ako! malamang para hindi ako mahirapan bumangon ng maaga,

Awa ng Diyos..mula ng mag palit ako ng schedule.... Late pa rin ako.. haha!!!!
at Awa ng Diyos.. Regular na ako..
salamat sa Boss naming nagtitiwala pa rin sakin kahit na palagi akong late
ginagawa ko naman ang trabaho ko kahit lagi akong late at nag eextend naman ako ng oras ko para i-off set ang late :))


Pero hindi yan ang gusto kong ikwento ngayon...
marami akong hinanakit na hindi ko alam paano ilalabas..
ayaw ko namang sa ibang paraan ilabas yun dahil hindi maganda ang amoy.. at wala din namang konek sa nararamdaman ko..
masyado nang mahaba ang nailalabas na katas ng utak kong masabaw sa problema at ideang walang kwenta pero hini ko pa rin nasasabi ang gusto kong sabihin..
Hindi ko kasi alam pano sisimulan.. sa sobrang haba ng araw na hidi ko mailabas ang galit at sama ng loob ko..
kaya sige mag papart two na lang ako ng emote ko.. ;p