Wednesday, March 16, 2011

Ako na Ang Bitter I

Mab bo-blog ako dahil sobrang sama nanaman ng Loob ko
(parang palagi na lang) Kahit pa bawal na ang hindi work related sites sa Station ko dahil may May bagong memo na lumabas bahala na sila kasuhan ako! hehe

Kamusta kayo!?????

OK ba kayo?

ako sakto lang.. saktong sakto lang para sa taong malungkot.. ano daw?!

Paano ba hindi maging Bitter kung alam mong niloloko ka ng taong pinakamahalaga sayo?

Paano ba maging kalmado kung kahit magkatabi na kayo sa pag tulog ibang tao pa rin nasa isip nya?

Ngayon malalaman nyo kung gaano ako katanga sa Pag-ibig
Pero kung di kayo interesado malaya kayong iwan ang pahinang to..

HIndi ko na lam kung ano pa bang kulang at dapat ibigay sa taong mahal ko..
Halos buong kaluluwa at pagkatao ko naibigay ko na.

Halos hindi na ko matulog dahil pauwi ko ng ala tres ng madaling araw ay magaasikaso pa ko ng kakainin nya at babaunin nya sa opisina.. na ang tanging gagawin nya na lang halos ay nguyain ang pagkain at lunukin, pati na rin ang paliligo..

Ako rin yung tipo ng taong consistent, mula noon hanggang ngayon walang nagbago sa nararamdaman ko, mas lulalim pa nga dahil sa mga nadiskubre ko sa kanyang mahirap tanggapin pero tinanggap ko dahil mahal ko sya..

tatlong taon na.. magtatatlong taon na mula ng sinuko ko buong pagkatao ko sa kanya.. Mahal na mahal ko sya kahit wala sya gawin para sa akin makasama ko lang sya..
kahit pa paglikuran ko buong pamilya nya mapagaan lang loob nya sa mga problemang hinaharap nya..

At pagtinamad ako at hindi kumilos e kelangan ko nang mag impake dahil alam kong masesesante nanaman ako at palalayasin. e tanga si ako.. lagi ko na lang iniisip na marami lang sya iniisip kaya sya ganon. pero nakalimutam ko nang bigyan ng magandang dahilan sarili ko.. ako lage ang hindi maintindihan kaya ako laging mali..

Hindi ko alam kung totoong pagmamahal to.. masakit at malungkot.. mas pinili nya ang mga taong walang maitulong sa kanya kundi malabing na text message para ipagpalit sa lahat ng ibinigay ko..

hhaaaayyysss...

Do I sound BITTER?

SHOULD I'LL BE BITTER?!

hindi ko alam bakit may mga taong kailangan munang mawala ang taong nagpapahalaga sa kanila bago pa nila marealize na kailangan nila iyon..

IKAW! KUNG IKAW MAY MINAMAHAL KA! ARAW_ARAW MONG IPARAMDAM AT SABIHIN KUNG GAANO KA KAHALAGA SA KANILA! MAHIRAP MAG HANAP NG TAONG MAGMAMAHAL SA INYO NG TOTOO...

gusto ko nang kumawala, tumakas, magising kalimutan lahat ng nararamdaman ko.. parang kailangan ko ng TIME MACHINE NI AKONI para maka MOVE FORWARD AKO.. hehe

O kaya naman BATO! pang pukpok sa utak kong tulog at PUSO kong BULAG..


ayun lang!

walang kwenta to! wala talaga!

12 comments:

Kamila said...

waaaah. lungkot naman. :( sorry sa pinagdadaanan mo..sorry din wala ako matulong.. hirap nga humanap talaga ng lalake na ibibigay lahat lahat para sayo.. di ko alam sasabihin ko.. pero sana maging okay ka din.. sana gawin mo yung magpapasaya sayo.. okay lang magmahal ng sobra sobra..pero wag mo lang kalimutan na mahalin mo din sarili mo

iya_khin said...

kalungkot naman...
ask ko lang,nakatali kana ba sa kanya...i mean kasal na ba kayo? try to figure out muna kung ano ang cost ng pagkakaganyan nya....pag usapan nyo....

Leonrap said...

for me, di yan bitter... youve done youre part eh... youve shown him your feelings, ginawa mo lahat... pero.... ahmm... un na nga. hehehe... di yan bitter. you were just true to urself. sya dapat ang maging bitter!!!!

*shet! nosebleed ^^

Out if the Closet, Into the Streets said...

you allowed it to happen...

so now, do the right thing...

ISTAMBAY said...

nagkausap na ba kayo? importanteng magkaron kayo ng paguusap tungkol sa pangyayari.. mahirap ang pakiramdaman lamang.. kung sakaling magkaron ng pruweba ang mga hinala mo sa kanyang pagbabago. maari mo syang komprontahin. Kausapin in a nice way, pag galit ang umiral, ang emosyon ang nagsalita.. walang patutunguhan. panatilihin kalma ang damdamin... at mag isip ng mabuti...

sana maayos na yan..

magandang araw sayo.. :)

mommy-razz said...

ay ang lunkot.. :( makaka move on din, hintay lang.. enjoy life.. :)

doon po sa amin said...

hello, napadaan lang.

sobrang lab mo? parang mahirap nga. minsan kasi, ganyan, we love more those who love us less. ang ewan, ano?

hindi ako magpapayo. wala akong karapatan, haha. basta, i hope that one day, you'll wing it, if not win it. regards,

:] doon po sa amin

bobot said...

wala kang ginawang mali, nagmahal ka lang ng totoo...kung di man okay ang nangyayari sa life mo, it doesnt mean na nasa iyo ang problem. kung ganun sya syo, despite ng mga ginawa mo at ginagawa pa para sa kanya at sa pamilya nya...cguro its a sign na rin to move forward.
iwan mo sya if he wants to stay behind.

...pero nsa iyo pa rin ang final decision. sabi nga nila, happiness is a choice.

God bless!

musingan said...

sige lang... labas mo lang... sasaluhin namin lahat ang reklamo mo.. ehehhe

KristiaMaldita said...

Salamat sa lahat!
kahit papano gumagaan pakiramdam ko dahil sa inyo..

Kuya Al! thenkyu! ;)

Out if the Closet, Into the Streets said...

Its also your fault... sa isang relasyon hindi one sided lang.... learn to accept your mistakes and the other will...

hapeeism said...

Nangyari na sa akin yang ganyang sitwasyon. I may say a lot but I would like to recommend for you to get this book: "Why Mean Love Bitches" by Sherry Argov.

This book will help you a lot.