Thursday, March 31, 2011

Ayan kasi!!!

eto na!


eto na!


eto na!


waaaaaahhhhhh!!!!


I'm Back!!!!!

~ Who cares!!!!???
wahahaha!

napag isip-isip ko lang na hindi na mawawala sa systemako ang pagiging abala dahil sa dami ng responsibilidad na nakapatong sa aking balikat.. haha
(Presidente!?) at napagtanto ko na hindi na rin ako magkakaroon ng panahon katulad noon na maari akong magbaabd sa blog hanggat gusto
ko.. kasi REGULAR Na ko..madami na kong pinagkakaabalahan tulad ng Facebook, Yahoo, yosi at break time.. lalong lao na ang tambak na trabahong
naghihintay na bigyan ko ng pansin.. hehe pero ayos lang magaan na loob ko dahil hindi natuloy ang hearing ko..

TAMA! may kaso ako.. ako na! ako na ang may Kaso! hehehe

bago ako pumasok sa trabaho kanina ay pinilit kong bumangon ng maaga mga 10:43 AM.
para lang puntahan at humanap ng abugado sa kaso ko..
sa mga chismosa eto pala ang branch ng MAkati Trail Court Branch 63
Case #364188

Sa lobby pa lang ng Makati City hall e hindi na amgkanda ugaga ang mga tao sa pila..
kala mo pila sa box office hit movie ng My Amnesia girl sa haba! pila pala iyon sa elevator.. haha!
parang nawalan agad ako ng pag asang aabot pa sa shift ko sa trabaho kelangan kong gamitin na lang ang hagdan
papuntang 16th floor.. hehe pero hindi ko naman kinarir masyado yun naawa naman at nahiya ako sa mga baby fats ko baka mabawasan pa sila...

Pag dating ko sa 16th floor e pinabalik ako sa 14th floor para kumuha daw ng abugado,....
Nakakuha naman ako kaso masyado ata syang busy kakatext at halos ayaw nya kong kausapin.
Pinabalik lang nya ako sa 16th floor para alamin kung kelan ire- reschedule ang hearing dahil sigurado naman syang hindi yun matutuloy next week..
Huwag ko na rin daw ilaban yung kaso dahil maaaksaya lang daw ang panahon ko, at yun din naman ang desisyon ko..

In short.. hindi pa ko mahahatulan next week, hehe sa June na lang daw itutuloy

Sige na nga, ikwento ko na ang kaso ko..
hehe

Isang karumaldumal na krimen ang ginawa ko..

LITTERING ayun! nahuli ako nagtapon ng upos ng sigarilyo sa isang ,matao at maruming lugar ng Guadalupe.. at napaka swerte ko talaga ng araw na yun dahil Birthday ko
yon! Sabi na nga ba e, ang pagsusuot ng itim sa araw ng kapanganakan ay hindi magandang sinyales.(tips: huwag mag black sa araw ng bday dahil maaring mangyari sayo ang nangyari sakin hehe)
Natatawa lang ako noon dahil apat kaming nahuli, nakakatawa din ang MAPSAng yun dahil hinitay nya talagang itapon namin ang basura bago nya kami bulagain.. kakatuwa talaga sya!
apat kaming nahuli, nagbayad yung dalawa kong kasma, ako at yung isa kong kaibigan ay nagmatigas na huwag magbayad dahil hindi naman daw totoo iyon. at dahil uto-uto ang lola mo at ayaw magbayad ng multa
hindi nga kami nagbayad,, ayun pag sapit ng isang buwan nakatanggap ako ng "Resolution" na sasampahan na nga daw ako ng kaso at take not.. ako lang ang nakasuhan..
Pero ayos lang yun..

That's life..

and life isn't fair, so learn to deal with it..

So far may mga natutunan din naman akong mga bagay bagay na madadala ko hanggang magkalindol ng intnsity 7.5.. hehe

wala na! wala na kong masabi

namiss lang kita blogspot.. at drained din ang aking utak! huhuhu






Wednesday, March 16, 2011

Ako na Ang Bitter I

Mab bo-blog ako dahil sobrang sama nanaman ng Loob ko
(parang palagi na lang) Kahit pa bawal na ang hindi work related sites sa Station ko dahil may May bagong memo na lumabas bahala na sila kasuhan ako! hehe

Kamusta kayo!?????

OK ba kayo?

ako sakto lang.. saktong sakto lang para sa taong malungkot.. ano daw?!

Paano ba hindi maging Bitter kung alam mong niloloko ka ng taong pinakamahalaga sayo?

Paano ba maging kalmado kung kahit magkatabi na kayo sa pag tulog ibang tao pa rin nasa isip nya?

Ngayon malalaman nyo kung gaano ako katanga sa Pag-ibig
Pero kung di kayo interesado malaya kayong iwan ang pahinang to..

HIndi ko na lam kung ano pa bang kulang at dapat ibigay sa taong mahal ko..
Halos buong kaluluwa at pagkatao ko naibigay ko na.

Halos hindi na ko matulog dahil pauwi ko ng ala tres ng madaling araw ay magaasikaso pa ko ng kakainin nya at babaunin nya sa opisina.. na ang tanging gagawin nya na lang halos ay nguyain ang pagkain at lunukin, pati na rin ang paliligo..

Ako rin yung tipo ng taong consistent, mula noon hanggang ngayon walang nagbago sa nararamdaman ko, mas lulalim pa nga dahil sa mga nadiskubre ko sa kanyang mahirap tanggapin pero tinanggap ko dahil mahal ko sya..

tatlong taon na.. magtatatlong taon na mula ng sinuko ko buong pagkatao ko sa kanya.. Mahal na mahal ko sya kahit wala sya gawin para sa akin makasama ko lang sya..
kahit pa paglikuran ko buong pamilya nya mapagaan lang loob nya sa mga problemang hinaharap nya..

At pagtinamad ako at hindi kumilos e kelangan ko nang mag impake dahil alam kong masesesante nanaman ako at palalayasin. e tanga si ako.. lagi ko na lang iniisip na marami lang sya iniisip kaya sya ganon. pero nakalimutam ko nang bigyan ng magandang dahilan sarili ko.. ako lage ang hindi maintindihan kaya ako laging mali..

Hindi ko alam kung totoong pagmamahal to.. masakit at malungkot.. mas pinili nya ang mga taong walang maitulong sa kanya kundi malabing na text message para ipagpalit sa lahat ng ibinigay ko..

hhaaaayyysss...

Do I sound BITTER?

SHOULD I'LL BE BITTER?!

hindi ko alam bakit may mga taong kailangan munang mawala ang taong nagpapahalaga sa kanila bago pa nila marealize na kailangan nila iyon..

IKAW! KUNG IKAW MAY MINAMAHAL KA! ARAW_ARAW MONG IPARAMDAM AT SABIHIN KUNG GAANO KA KAHALAGA SA KANILA! MAHIRAP MAG HANAP NG TAONG MAGMAMAHAL SA INYO NG TOTOO...

gusto ko nang kumawala, tumakas, magising kalimutan lahat ng nararamdaman ko.. parang kailangan ko ng TIME MACHINE NI AKONI para maka MOVE FORWARD AKO.. hehe

O kaya naman BATO! pang pukpok sa utak kong tulog at PUSO kong BULAG..


ayun lang!

walang kwenta to! wala talaga!

Tuesday, March 8, 2011

STRESSED NA KO!!!

AKO NA!!!


AKO NA ANG BUSY BUSY-HAN
AKO NA ANG STRESSED
AT AKO NA ANG NAKAKAMISS SA BLOGSPHERE! HUHUHU ;(


sa mga oras na ginagawa ko to ay sangdamukal parin ang trabahong pinapamadali at pinapatapos sa akin
pero mas pinili kong mag blog muna dahil baka sumabog na ang kakarampot kong utak sa kakaisip pano pagkakasyahin ang oras para tapusin to..

Antgal ko nang hindi nakakapag update ng Blog ko..
antagal ko na ring hindi nakakapamasyal sa mga pages nyo..
tsk.. tsk..

Yun ay sa kadahilanang..  Malapit na kong malunod sa stressed na binibigay sakin ng Boss at ng trabaho ko..
Gusto ko nang umayaw..
Mas masahol pa sa stress na binibigay ng pag-ibig sakin.. wahaha! (baliw na ko)

Yesterday was supposed to be my Restday pero pinapasok pa rin ako ni boss dahil marami kaming hinahabol na workload no choice ako dahil dalawa lang kaming gumagawa sa account na yun..


last night shift 7PM-4AM
Today's shift 3PM-12MN

parang tumambay lang ako sa bahay pag uwi ko at bumalik nanaman ako dito para humarap nanaman sa nakakaimbyernang ambiance..

MISS KO NA KAYO...
MISS KO NANG MAGBASA..
MISS KO NANG MAGCOMMENT

MISS KO NANG MAG POST NG ENTRY.. ;(

hindi ko alam kung kelan ako magkakaroon ng sapat na panahon para sa sarili ko sa mahal ko sa buhay at sa blog ko.. huhuhu
sana nandito pa rin ako sa Opisinang to pag balik ko sa BOG WORLD at wag mag full time logger..




I'll shall return guys..
I'll make it up to you..



I miss you all!


I LOVE YOU ALL!!!!






arf! arf!


Wednesday, March 2, 2011

takip silim


Tabing dagat, simoy ng hangin..

lamlam ng alon


lamig ng tubig


Kulay ng langit


na mi.miss ko na...


Takipsilim....


Photos na nakuha ko nung naligaw ako sa isla ng Panay.. nakaraang taon
namimiss ko na ang pamilya ko.. ;(

Tuesday, March 1, 2011

"Huling tagay ni Anthony"

Kahit sino siguro ayaw ng eksenang may taong umaalis..
Lalo na ako, ayaw na ayaw ko namay nawawala, hindi ko alam kung dahil sa hindi ko na sila makaksama o dahil ayaw kong maiwan ng  mag mag-isa..


Maligamgam ang ihip ng hangin ng gabing yon...
nasa kalagitnaan kasi ng taon..

Kumpleto ang magbabarkada, tahimik, parang walang gustong umimik
Tila walang gustong gumawa at  makagawa ng kahit ano mang ingay bukod sa
tunog ng alak na isinasalin sa baso..

Sa harap ng magbabrkada ay ang isang lamesang may lamang samo't saring pulutan at alak na tinatagay na nagsisilbing pampamanhid sa nararamdaman ng bawat isa..
Walang gustong maunang mag salita dahil alam ng lahat na sa isang salitang babasag sa katahimikan ay
 aapaw ang emosyong pilit itinatago para sa isa nilang kaibigan.

Sa gilid ng magbabarkada ay may isang papag na nakaratay ang isang katawang pagal at sing payat ng ting-ting..

nag may biglang nag salita..

"Tang-inang inuman yan! ano ba!? bat ganyan kayo?di pa ko patay, wala tayo sa lamay,nagiinuman tayo!"mahina pero buo ang salita "-Si Anthony

Lalong nangilid ang mga luha sa mga mata ng magkakaibigan na siguradong pinipigil ng bawat-isa dahil alam nila na ano mang oras ay siguradong malalglag sa kanilang mga mata at siguradong mahihirapan na silang pigilan ang pag iyak.

ngumiti ng mapait..
 
"Oo nga! tagay na yan para matapos maaga.. magpapahinga pa yan si Anthony oh!"

pampam ako.. pang alis ng tensyon

tinawag ni Anthony ang nanay nya para itayo siya sa pagkakahiga para tumungga sa Pale Pilsen nyang iniinom

Anthony: tang Ina nyo nakakapanibago kayo! naputulan lang ako ng kamay ganyan na kayo!? (sabay ubo)
        baka huling inuman na naten tong kasama nyo ko, hindi nyo na nga ako sinama nung huling outing nyo  

May isang kaibigan nanamang naglakas ng loob na msumagot

"pano ka sasama e kagagaling mo lang sa Chemo!?"

pwede naman! nagiinuman nga tayo kahit katatapos lang ng chemo ko, ayaw nyo lang ako painumin, aarte nyo di naman kayo yung mamatay, Hindi nyo pa ako pagbigyan kokonti na lang panahon ko alam nyo namang stage 4 natong kupal na sakit na to,pinutol na nga kanan kong kamay para hindi na kumalat, wala namang nagbago.. hind na tuloy ako makapg Ja*** ! (sabay tawa ng mahina)

"mag swimming tayo sa Birthday ni Karla! o kaya mgavideoke na lang tayo para makakanta ka ng  favorite song mong "Gold" bakla ka! haha!"

try naten kung kaya ko pa, kung aabot pa.. mahina nyang sagot..

"wag ka ngang magsalita ng ganyan, parang kang tanga! syempre aabot ka pa! masama kang damo diba?"
sabat ng isa pang kaibigan upang hindi na marinig pa ang sakit at pagdurusang pinagdaraanan ni Anthony kahit alam nila sa sarili nila kung gaano ito kahirap.

napuno ng pilit na tawanan ang bakuran ng aming kaibigan..

alam nameng hindi na magtatagal ang kaibigan namen, masyado nang mahina ang katawan nya at kalat na sa buong katawan nya ang cancer..
Pinilit nalang nameng tapusin ang ang huling inumang kasama si Anthony..
Inalala ang mga kagaguhan at kalokohan ng anim na taong pagsasama. nababakas sa mga malamlam nyang mata ang saya ng pagalala sa mga nakaraan noong magaling pa sya.

Kalog, maingay, matalino,pakawala,malibog,aktibista, makabayan,
yan si Anthony isang mabuting kaibigan na maagang kininuha sa aming ng lumikha..
nakakalungkot lang na wala kami sa tabi nya sa pinakahuling minuto ng buhay nya dahil na rin sa pagiging abala sa trabaho at pag-aaral.. pero alam namen na kahit may konting sama sya ng loob sa amin ay mas marami kaming naibigay at na bahaging masasayang ala-ala na babaunin nya sa paglisan nya..