I read this back when was still in high school..
I just like to post it since I really can't forget about this.. :))
"Love", napakalaking oxymoron...
nakakatawa talaga ang LOVE. isa siyang napakalaking oxymoron. lahat ng puwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. ang labo ba? pero ang linaw.
masaya magmahal. malungkot magmahal. hindi mo ba maintindihan? pero naiintindihan mo. walang rason. hindi mo na kaya. pero kaya mo pa rin. masakit magmahal. masarap magmahal.
leche... ano ba talaga?!?...
may kaibigan ako, sabi nya dati, "love is only for stupid people". nakakatawa kasi laude ang standing nya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. at ayun, tanga na rin sya ngayon.
lahat kasi ng nahahawakan ng love, nagiging oxymoron din. o kaya paminsan-minsan, nagiging moron lang.
hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. lahat ng bagay nababaligtad din niya. lahat ng malalakas na tao, humihina. lahat ng mahihina, lumalakas. ang mayayabang, nagpapakumbaba. ang mga walang pakialam, nagiging pakialamera.
ang mga henyo, nauubusan ng sagot. ang mga malulungkot, sumasaya. ang matitigas, lumalambot. (at tumitigas din ang mga bagay na madalas nama'y malambot).
nakakatawa talaga. lalo na kapag dumating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. napansin ko nga eh. parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na, "ayoko nang ma-in-love!" biglang WACHA! ayan na siya. nang-aasar. magpapaasar ka naman.
di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing-galing mong magpayo? pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawalan ng saysay lahat-lahat ng ipinayo mo dun sa taong namumublema? naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. pero bakit parang wala ring tama? bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. "ngayon ko lang nalaman na ganito pala. sabi ko nga eh!..." "ang sarap mabuhay. pwede na 'ko mamatay, now na!!!"
at hindi lang 'yon. ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh nagpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. tapos pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. siya!
"bakit niya ako sinaktan?" may kasama pang pagsuntok sa pader 'yon at pagbagsak ng pinto.
ang love nga naman talaga...
sabi sa biblia, ang pag-ibig ay pangkapayapaan. eh bakit kanina nakaheadlines sa diyaryo: nang dahil sa pag-ibig.....pinatay!!!
minsan naman: pag-ibig ang dahilan kaya nagpakamatay!!!
ah oo, totoo nga namang pag-ibig....pangkapayapaan nga naman isipin mo may pumapatay, may namamatay at nagpapakamatay?!!! eh pag nga naman ang tao, patay na.. payapa na di ba?
"nakakatawa no????"
sabi naman sa corinthians "ang tunay na pag-ibig ay hindi nagseselos, walang pagnanasa". yun namang kaibigan ko binugbog ng asawa niyang lalaki kasi hindi raw marunong magselos. ano ba naman yan sumusunod ka lang naman nabugbog ka pa. ang sakit nun ah, walang ganyanan. para malaman mo wala kang karapatan dahil pinagpawisan at
nahuhubaran ang mga magulang niyan sa sarap...este sa hirap mabuo lang yan, tiniis kahit madilim tapos ngayon bubugbugin lang?!?
haaaaneeeeeeeeep talaga.
mauubos ang buong magdamag ko sa kasasabi ng mga bagay na nakakatuwa 'pag love na ang pinag-usapan. daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko ng eksperto na 'ko. pero wala pa rin akong alam. nakakatawa di ba?
pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gustong magpatawa ng pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.
♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀
0 comments:
Post a Comment