Wednesday, July 13, 2011

FRUSTRATED kay G+

Isang busyng araw kahapon sa Opisina..

Habang pinapatay ang oras sa kaboringan ng pag tatrabaho ay may isang nilalang na nangiggit sakin na may account na daw sya sa G+, narinig ko na yung tungkol dun pero hindi ako masyadong interesado dahil hindi ko naman alam yung tungkol dun..

sabi nya sakin kailangan pa daw na may invites don bago ka maka create ng account, sabi ko sa sarili ko hindi ko naman siguro kailangan yun at in the first place wala namang mag iinvite sakin dun..Bumanat sya samen kung gusto daw ba namen invite nya daw kame, sabi ko okay sige try ko na rin, pero sabi nya ulet pag iisipan nya.. e di sana hindi na lang sya nagsabi na invite nya kame, well nung bandang hatinggabi ay may nag comment sa FB ko na isang Blogger, Maraming salamat sayo Kuya Al at hindi mo ko nakalimutang i-invite sa G+ :)) hindi ko naman in-expect na maiisipan mo kong i-invite :)) salamat ng Marami.. we'll ayun na nga..

May invite na ko, kaya in-nvite ko din yung mga officemates ko.. :) kasi hindi naman ako madamot at wala naman sigurong taong hindi pwede gumamit ng ng G+ kaya ng social network diba?  lahat ng may access sa net ay pwede gumamit hanggat may hininga, may ulo may paa, may utak, may manners at may mga kaibigan.. TAMA naman di ba? hehehe


"This feature is not available for your account
You must be over a certain age to use this feature."
Eyun ang lumalabas tuwing i-click ko yung Learn more Button sa invites sakin! Bwiset! hindi ko alam kung paano at bakit hindi ako makapasok sa mundong yan tulad ng sabi ko tao naman ako.. may hininga, ulo, paa manners kahit konte, siguro sa utak alanganin pero hindi parin ako sigurado bakit ganun ang nanyayari.. kakainis FRUSTRATED AKO!!! 
Anong gagawin ko  sa sandamakmak na invites kung ayaw din naman ako makakonek sa G+!!!???

waaah!!!! What am I gonna do?!

Kakainis talaga!!


3 comments:

iya_khin said...

uy change ng theme ah!! puti na din!

wait mo lang kasi on beta trial palang ang G+ kaya ganun.

-mark- said...

sa settings ng google account mo palitan mo ang bday mo, o kaya gawa ka ng bagong gmail account tapos magpainvyt ka ulit..

mommy-razz said...

ay sayang.. madaming ka blogs don.. hehe! in case makapasok ka.. isama mo ako sa circle mo ah..