Thursday, April 14, 2011

EMOngoliod

Parang nararamdaan ko nang  anlayo layo ko na..

Anlayo layo ko sa Blog world,.. *lungkot*

Bakit naman kasi napaka raming bagay ang gumugulo at bumabagabag sa buhay ko,
Buryong na ako!

Puro simula na lang nagagawa ko! waahhh!

Ganito talaga siguro pag pre occupied ka, andami ko gusto isumbong at ikwento kaso di ko na alam san ako
mag sisimula..

Sana sa mga susunod na araw e magkaroon naman ako ng ,aluwag na oras para maka pag update ng blog ko at ng mga blog nyo..

Sa ngayon magulong magulo pa rin ang utak at buhay ko,

Hindi ko alam kung magpapatuloy ako sa mga plano ko sa buhay o liliko ako sa ibang direksyon para sa panibagong landas na tatahakin (LALIM) *sigh*

Sana naman sa mga darating na araw ay maging favorable naman si tadhana sa akin,.. :(


Mas maganda nga siguro minsan mag- isa ka.. makikita mo, mararamdaman mo ano kulang, mali, sobra, abuso at hindi dapat sa mga ginagawa mo..

Nalaman kong marami akong naiwan at nakalimutan gawin noon dahil sa papapaikot ng mundo ko sa isang tao, na dapat pala nag eenjoy na ko, may nakikilala na kong mas higit pa at makaaktulong sa pag hubog ko bilang isang matatag at indipendent na nilalang, andami kong nasayang na oras, para sa sarili ko..




"I need some shelter of my own protection baby To be with myself and center, clarity Peace, Serenity... ♪♫♪ "

2 comments:

ISTAMBAY said...

dumaraan sa buhay ng tao ang ganyan.. kailangan mong masaktan o kailangan may mangyari bago mo marealized ang lahat. May mga importante palang bagay na para sa atin na hindi natin napapansin noon.

gumawa na din ako ng post tungkol jan.. para sa isang kaibigan kaya naibigan kong isulat.. sinadya kong laliman at daanin sa matalinghagang pananalita para hindi direktang tumama sa kanya ang sinasabi ko. at gusto ko din na tulad mo, sya din mismo ang makakita ng mga pagkakamali nya...

kung may oras ka, balikan mo na lang ito.. :)

http://walangmagawasibanjo.blogspot.com/2011/03/panis-na-lechon-manok.html

http://walangmagawasibanjo.blogspot.com/2011/04/tunay-na-aking-kaligayahan.html

magandang araw sayo... :)

Kamila said...

Puro simula na lang nagagawa ko ---- ako din.. pareho tayo... sobrang depressed mode nga ako ngayon eh..

wag mo kame masyado alalahanin.. (assuming lang ako) asikasuhin mo life mo.. need mo yan.. dito lang kame.. hahaha :)

at follow your heart..! Sabi nga nila Fail your way to success... kaya do as many mistakes as you can! :)