Monday, January 31, 2011

Sabado NightS...

Isa nanamang Araw ang lumipas..
isang araw sa Opisina..
walang kasama..

Pag Saturday kasi ako lang ang may shift sa Accout namen kaya eto.. kailangan
damdamin ang saklap ng schedule..

SATURDAY NIGHT

***dapat nasa bahay.. papahinga.. nood MMK, o kaya Talentadong Pinoy, o kaya
Jejemom?! ( di ko na kasi napapanood kung anong meron sa 7 e) hindi keri ni Super Baron Antenna na panatilihing malinaw ang lahat ng channels..(Super pa man din ang tawag sa kanya.. tsk..tsk.. ngayon nagising ako sa katotohanan na hindi lahat ng Super ay Super.. ano daw?)
atleast tatlong Channel lang ang kayang iaccomodate ng Antenna na pwede mong panoorin... kung guso mong luminaw ang iba pang channel akyat ka ulit sa bubong para pihitin pa kanan ng may kasamang  lambing..para luminaw ang ibang channel--- pmahirap kasi itune sa tamang pwesto si Baron kaya dapat sasamahan mo iyon ng lambing.

*** Pwede ring i-spent mo yung time mo kasama ng Lover.. buong Sabado kayong maglampungan hangang sa makatulog kayo at hindi nyo namalayan na Linggo na pala at hinahanap ka na sa inyo dahil magsisimba pa kayong buong pamilya! haha!

***Pero Karamihan Saturday night was spent together with friends...
Gimik sa Makati, Wgrill..hehe o sa malate, sa MOA sa Q. Ave sa MOrato sa kahit Circle, sa Simenteryo sa Palengke,kahit saan! basta trip ng tropa.
Pwede rin naman sa Bahay lang.. chill chill lang, tamang kwentuhan kasama barkada.. ng may kasamang tagay pampasarap ng kwentuhan, kwentuhan na paulit ulit lang naman..
Hanggan sa umagahin na lang ng kwentuhan at maubos ang alak..haha!
Pagkatapos uminom daan muna sa Kanto bili kay Ateng nag titinda ng almusal kain muna ng Sopas o kaya sinangag na pa.partneran mo ng kung anong pritong merong available si ate.. laman tiyan bago matulog,
masama nga lang kung medyo malakas amats mo.. e, isusuka mo lang din lahat ng kinan mo.. haha!

kaya eto ngayon ko lang ipopost to.. hinitay ko pa kasi matapos ang Sabado ko kagabi..

Ending..

Inaya ko dalawa kong kumpare para mag inom dahil kating kati ang lalamunan ko masayaran ng alak..hehe
ayun! ako rin pala ang bumili ng alak.. at ayun! kahit last money pinilt ko parin uminom..
at ayun! nabitin lang ako at natulog na nanghihinayang sa binili kong bitin.. tsk.. tsk..

pero okey lang.. lumasa naman sya sa lalamunan kong uhaw.. hehe..

ayun lang ang sabado ko..  BITIN :))















0 comments: